CANDABA, PAMPANGA – Pabor ang isang magsasaka ng palay mula sa Pampanga sa ipinapatupad ngayon na price cap sa bigas.
Sa panayam ng Newsline Central Luzon kay Jojo Paguinto, magsasaka mula sa bayan ng Candaba, pabor umano ito sa kautusan ni Pangulong Ferdinand โBongbongโ Marcos, Jr. na magpatupad ng price cap sa bigas.
Ito ay upang makatulong at makinabang umano ang publiko na maibsan ang pasanin sa taas ng presyo ng ibang bilihin.
Aniya, kaya naman umano na ibenta ang bigas sa P41 to P45 pesos kada kilo kung bibilhin ang palay mula sa mga magsasaka ng hindi bababa sa #P20 pesos kada kilo.
Sa ngayon binibili ng National Food Authority o NFA sa higit P18 pesos kada kilo ang palay habang, ayon kay Paguinto, may ilan pa umanong mga mamumuhunan ang bumibili ng hanggang P24 pesos kada kilo ng palay sa ngayon.
Inaasahan naman na bababa ang presyuhan ng palay kapag marami na ang suplay nito o sa panahon na ng anihan sa buwan ng Oktubre.