PORAC, PAMPANGA – Nagpulong ang Pamahalaang Lokal ng Bayan ng Porac, Pampanga kahapon sa pangunguna ni Mayor Jaime โJingโ Capil hinggil sa patuloy na konstruksiyon ng Subic-Clark Railway Project na bahagi ng Luzon Railway System
Pinag-usapan sa pagpupulong ang relocation ng hindi bababa sa 47 na mga pamilya na maaapektuhan ng naturang proyekto sa Brgy. Babo Pangulo at Brgy. Planas sa bayan ng Porac.
May tatlo na umanong lugar sa nasabing bayan ang pinagpipilian na posibleng paglilipatan ng mga ito.
Nilinaw din dito na ang mga ire-relocate lang ay ang mga informal settler o mga walang hawak na titulo ng lupa, samantalang ang mga nagmamay-ari naman ng lupain na maaapektuhan ng ginagawang railway ay babayaran ng gobyerno sa ilalim ng National Housing Authority.
Dumalo naman sa naturang pagtitipon ang mga kinatawan ng Bases Conversion and Development Authority o BCDA at Department of Transportation.