BATAAN PROVINCE – Nagsagawa ng Peace Covenant ang Provincial Government ng Bataan kaugnay sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections o BSKE.

Batay sa pahayag ni Gov. Joet Garcia, nagpaalala siya sa mga kandidato ng BSKE na iwasan ang mga siraan sa kapwa kandidato at pagtuunan na lamang ng atensyon ang mga magagandang layunin para sa kani-kanilang barangay na nais paglingkuran.

Hiling ng gobernador na sana ay isapuso ng mga BSKE candidate ang sinumpaang pangako sa isinagawang Peace Covenant para sa malinis, ligtas, mapayapa at maayos na halalan.

Dapat din umanong sundin ng mga ito ang mga patakarang ipinapatupad ng Commission on Elections o Comelec.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *