CANDABA, PAMPANGA – Tumanggap na ng kanilang educational assistance noong September 27, ang 1600 mga college student mula 2nd year hanggang 4th year college na nag-aaral sa Don Honorio Ventura State University sa bayan ng Candaba.

Sa panayam ng Newsline Central Luzon kay Mayor Rene Maglanque, sinabi nito na ang scholarship program ay pinondohan ng 14 million pesos.

Ang bawat isa sa 1600 na mga magaaral ay nakatanggap ng tig-5000 pesos kung saan pinangunahan ng alkalde ang pamamahagi.

Bukod dito ay nagbigay din umano si Mayor Maglanque sa mga ito ng mga dagdag impormasyon at kaalaman na magagamit sa pagaaral upang makapagtapos sa kolehiyo.

Ang naturang programa ay isa umano sa mga pangarap ni Maglanque na unti-unti ay makakapag-aral ang lahat ng mga kabataang Candabeรฑo upang magkaroon ng magandang kinabukasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *