Dalawang school buildings sa bayan ng Guagua, pinasinayaan na!

GUAGUA, PAMPANGA – Pinasinayaan na ang 9.8 million pesos na 2 storey building para sa San Antonio Integrated School sa Guagua, Pampanga kamakailan.

Ang naturang school building ay mayroong anim na silid aralan, mga kagamitang pang-eskwelahan at mga palikuran.

Batay sa ulat ng Pampanga PIO, ang proyekto ay handog ng Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ng Chairman ng Committee on Education na si 2nd District Board Member Mylyn Pineda-Cayabyab.

Hiling ni Cayabyab sa guro at estudyante na sana ay pahalagahan ang mga bagong silid-aralan.

Bukod dito ay pinasinayaan din ang 8 million pesos na bagong tayong 2-storey building na may apat na silid-aralan para sa Natividad High School sa nasabing bayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *