Lalawigan ng Bulacan, pasok sa top 10 most Competitive province ngayong 2023

BULACAN, PHILIPPINES – Pasok ang lalawigan ng Bulacan sa Top 10 most competitive province sa 2023 Philippine Competitiveness Ranking ng Department of Trade and Industry o DTI kung saan nakuha nito ang ika-walong pwesto.

Batay sa ranking, sa 1,634 local government units na nagparticipate, 103 na mga syudad, munisipalidad at mga probinsiya ang nakakuha ng parangal sa iba’t-ibang kategorya, kung saan ang Bulacan lamang umano ang nagiisang lalawigan sa Central Luzon ang pasok sa Top 10.

Nakuha naman ng Baliwag City ang iba’t-ibang awards kabilang ang Top 3 Overall Most Competitive 1st to 2nd Class Municipalities, Top 5 sa Infrastructure, Top 6 sa Innovation, at Top 8 sa Resiliency.

Top 4 naman naman ang Santa Maria sa Infrastructure, at Top 6 sa Economic Dynamism, samantalang pasok din sa Economic Dynamism ang Marilao, Top 7 ang Angat sa Most Improved 1st to 2nd Class Municipality at ang Meycauayan naman ay Top 3 sa Special Award na Top Intellectual Property Filer.

Ang Baler naman sa Aurora ay ang bukod tanging bayan sa labas ng Bulacan ang napabilang sa pagtatanghal kung saan nakuha nito ang ikalawang pwesto sa 3rd to 4th Class Municipality.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *