JBL Extension sa Sto. Tomas, Pampanga, plano umanong buksan para sa mga pasyente sa Disyembre!

CITY OF SAN FERNANDO, PAMPANGA – Target umanong buksan sa buwan ng Disyembre ngayong taon ang Annex o Extension ng Jose B. Lingad Memorial General Hospital o JBL sa Santo Tomas, Pampanga matapos maproseso ang mga kaukulang dokumento.

Ito ang inihayag ni Dra. Monseratt Chichoco, ang Hospital Director ng JBL, sa pag-bisita nito sa himpilan ng Newsline Central Luzon kahapon.

Aniya, layon nito na mabawasan ang mga outpatient sa JBL sa syudad ng San Fernando at upang ang mga karatig bayan ng Santo Tomas at ilang bahagi ng Bulacan ay sa Annex na lamang tumungo.

Ang ilang medical procedure umano ay pwedeng gawin sa Annex gaya ng minor surgical procedure.

Plano rin umano itong lagyan ng laboratory, pharmacy, X-ray, dental services at mag-accommodate ng dialysis patients.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *