𝗟𝗨𝗠𝗨𝗕𝗢𝗚 𝗡𝗔 𝗧𝗔𝗡𝗞𝗘𝗥 𝗦𝗔 𝗟𝗜𝗠𝗔𝗬 𝗕𝗔𝗧𝗔𝗔𝗡 𝗡𝗔𝗚 𝗗𝗨𝗟𝗢𝗧 𝗡𝗚 𝗢𝗜𝗟 𝗦𝗣𝗜𝗟𝗟

Nagdulot ng malawakang oil spill ang pag lubog ng isang oil tanker na may layong 3.6 nautical miles mula sa Lamao Point, Limay, Bataan.

Ayon sa Philippine Coast Guard ang Philippine-flagged Motor Tanker Terra Nova ay may dalang 1.4 metric tons o 1.4 million na litro ng industrial fuel oil na papunta sanang Iloilo.

Sa isinagawang aerial surveillance ng Coast Guard, tinatayang umabot na sa two nautical miles ang lawak ng oil spill sa layong 5.6 nautical miles mula sa Lamao Point.

Ayon kay Coast Guard Rear Admiral Armando Balilo, 16 na sa 17 crew nito ang nasagip at apat sa mga nasagip ay nalapatan na ng paunang lunas.

Hanggang ngayon hapon pinag hahanap pa rin ng BRP Melchora Aquino ang isa pang nawawalang crew ng Tanker.

Agad ng ipinagutos ang malalimang imbestigasyon sa nangyaring paglubog ng tanker at oil spill.

📷 Philippine Coast Guard

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *