300 katuwang na benepisyaryo ang nakatanggap ng ₱9,200 bilang kapalit sa pakikilahok sa 20-day Risk Resiliency Program sa pamamagitan ng Project LAWA at BINHI ng DSWD Field Office 3 – Central Luzon sa Candelaria, Zambales.
Ang Project LAWA at BINHI ay bahagi ng mga programa ng DSWD na naglalayong palakasin ang resiliency ng mga komunidad laban sa epekto ng climate change. Sa pamamagitan ng Cash-for-Training at Cash-for-Work, tinutulungan ang mga benepisyaryo na maging handa at matatag sa mga hamon ng klima, partikular na sa panahon ng tagtuyot at tag-ulan.
📷 DSWD Field Office 3 – Central Luzon
#newslinecentralluzontv
#newslinecentralluzon
#kasamakaikawangbida
#1031FM