𝗕𝗘𝗦𝗧 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗡𝗨𝗧𝗥𝗜𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗖𝗢𝗠𝗠𝗜𝗧𝗧𝗘𝗘𝗦 𝗜𝗡 𝗦𝗔𝗡 𝗙𝗘𝗥𝗡𝗔𝗡𝗗𝗢 𝗥𝗘𝗖𝗢𝗚𝗡𝗜𝗭𝗘𝗗

Sa pagtatapos ng pagdiriwang ngayong taon ng Nutrition Month sa Syudad San Fernando, kinilala ng lokal na pamahalaan, sa pangunguna ng City Health Office (CHO) at City Nutrition Committee (CNC), ang 10 best performing Barangay Nutrition Committees (BNCs), kasabay ng flag-raising ceremony sa Heroes Hall.

Ibinahagi ng CHO at CNC na ang mga awardees ay maingat na nasuri batay sa pamantayan ng nutrition Monitoring and Evaluation of Local Level Plan Implementation na nagsisiguro na ang mga programang pangkalusugan at nutrisyon ay ipinatutupad at naihahatid sa komunidad, lalo na sa kabataan.

Ginawaran ang Telabastagan bilang Most Outstanding BNC-Large Category, Saguin para sa Medium Category, at Dela Paz Sur para a Small Category na pare-parehong tumanggap ng P20,000 cash prizes. Ang natitirang pitong (7) barangay awardees ay Dela Paz Norte, Alasas, San Isidro, Del Rosario, Lourdes, Pandaras, at Baliti.

Ang bawat punong barangay, Kagawad on Health, Barangay Nutrition Scholars, at Barangay Health Workers ang tumanggap ng parangal mula kina City Councilors Ricky Hizon at Reggie David, City Administrator Engr. Nelson Lingat, City Health Officer Dr. Rowena Salas, at CNC members, bilang kinatawan ni Mayor Vilma Balle-Caluag.

📷ECB, JRIR, RMM, SDL | CSFP CIO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *