๐—š๐—ข๐—ฉ ๐——๐—˜๐—Ÿ๐—ง๐—”, ๐—ก๐—”๐—š๐—•๐—œ๐—š๐—”๐—ฌ ๐—ก๐—š ๐—™๐—œ๐—ก๐—”๐—ก๐—–๐—œ๐—”๐—Ÿ ๐—”๐—ฆ๐—ฆ๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—”๐—ก๐—–๐—˜ ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐Ÿฎ ๐—”๐—ก๐—”๐—ž ๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐—ฃ๐—”๐— ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—ก ๐—ข๐—™๐—ช ๐—ก๐—” ๐—ก๐—”๐— ๐—”๐—ง๐—”๐—ฌ ๐—ฆ๐—” ๐—š๐—œ๐—ง๐—ก๐—” ๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—›๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—จ๐—”๐—˜

Nag-bigay ng pag-asa si Governor Dennis โ€œDeltaโ€ Pineda sa dalawang naulilang anak ni Jennie Gambao, ang Kapampangan OFW na namatay sa gitna ng baha sa UAE noong Abril.

Ayon sa anak na si Christian, unti-unti ng bumabangon mula sa bangungot ng nakaraan ang kanyang pamilya para ipagpatuloy ang mga pangarap sa kanila ng kanyang ina.

Para mabigyan ng magandang bukas si Christian at ang kanyang nakababatang kapatid, nagpaabot ng P300,000 na cash asssistance sina Gov Delta, Vice Governor Lilia โ€œNanayโ€ Pineda, at Sangguniang Panlalawigan para sa kanila.

Bukod pa dito, sa tulong ni Gov Delta, nakapasok din bilang intern si Christian sa Kapitolyo sa ilalim ng Government Internship Program (GIP) ng PESO at nakatakda na din bigyan ng oportunidad na magkaroon ng permanenteng trabaho at makapagsimula ng bagong buhay.

๐Ÿ“ธ: Luisse Rutao | Pampanga PIO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *