CITY OF SAN FERNANDO, PAMPANGA – Aminado ang Department of Health (DOH) na kulang na kulang ang mga eksperto pagdating sa mental healthcare sa Central Luzon.
Sa isang online briefing, sinabi ni Dr. Lourdes Evangelista ng Mariveles Mental Health and General Hospital na dahil sa kakulangan ng mga mental health experts sa rehiyon, ang DOH ay kasalukuyang nakikipag ugnayan sa mga Barangay Healthcare Workers, at sa mga school personnel, gaya ng mga guidance counselor at mga guro.
Amindo rin ang DOH na ang mga mental health experts ay karaniwang nasa mga urban o mga syudad dahilan para mahirapan na matugunan ang mga nangngailangan ng kalinga sa mga liblib na lugar.
Dagdag pa ng DOH, may ilan din silang mga naitatalang kaso ng suicide sa mga mag-aaral kaya patuloy ang kanilang pakikipag ugnayan sa Department of Education (DepEd) at ng Commission on Higher Education (Ched) kaugnay ng mga kaso ng pagpapatiwakal sa mga mag-aaral.
Kaugnay nito, ikinasa na rin ng DOH ang kanilang mental health program na โTulong, Alalay at Gabayโ sa darating na Oktobre kung saan ito ay pangungunahan ng mga eksperto.
Sa mga may katanungan kaugnay ng mental health programs ng ahenya ay maaaring makipag-ugnayan sa National Center for Mental Health Crisis Hotline 0966-351-4581.