Nagpa-alala ang Commission on Election o Comelec Porac sa mga kandidato sa bayan para sa gaganaping Barangay at SK Election o BSKE sa Oktubre hinggil sa mga tamang lugar at hindi dapat lagyan ng kanilang mga campaign materials gaya ng tarpaulins at posters.
Ito ay bilang paghahanda na rin umano sa nalalapit na campaign period mula October 19 hanggang 28.
Ayon sa Comelec Porac, sa bawat barangay sa bayan ay mayroon lamangย isang lugar kung saan maaaring magpaskil ng mga campaign paraphernalia tulad ng harapan ng mga basketball court o kaya ay harap ng Barangay Hall o Multi-purpose hall.
Batay kasi sa Comelec Resolution 10924, ipinagbabawal ang maglagay ng mga posters o tarpaulin sa mga punong-kahoy o halaman, waiting sheds, eskwelahan, sementeryo, poste ng kuryente, lamp posts,simbahan, health centers, tulay, overpass o fly over, center islands ng mga kalsada, pampasaherong bus, jeep, tricycle, pedicap at mga terminal.