SAN SIMON, PAMPANGA – Inihayag ni San Simon Mayor Abundio Punsalan, Jr., na patuloy pa rin siyang komukonsulta sa kanyang mga abogado hinggil sa inihaing Suspension Order ng Department of Interior and Local Government o DILG.
Sa pahayag ni Punsalan, hindi siya dapat saklaw ng suspensyon batay sa Omnibus Election Code Section 261.
Sa ilalim kasi ng Election Code, lifted lahat ng mga suspensyon sa panahon ng halalan maliban kung ito ay โgraft and corruptionโ at kung ito ay pinayagan ng Commission on Election (Comelec).
Maalalang noong September 13, 2023 ay inaprubahan ng Comelec ang rekomendasyon ng DILG na suspendihin si Punsalan kabilang ang ilang mga opisyal ng bayan.
Ang memorandum ay pirmado ni Election Chairman George Garcia ayon sa DILG.
Kasama sa suspenyion ang kasalukuyang Vice-Mayor na si Romanuel Santos, at ang mga konsehal na sina Irene David, Irene Dagdag, at Randell Bondoc.
Kabilang rin sa inilabas na dapat suspendihin ang mga dating nanungkulan na sina Archiebald Basilio, Alekseyevich Vergara, at Mark Macapagal.
Anim na buwang suspensyon ang penalty ng mga kasalukuyang nasa pwesto habang pinagmumulta naman ng katumbas ng kanilang anim na buwang sweldo noong sila ay nanunungkulan sina Vergara, Basilio at Macapagal.
Ang suspension ay nag-ugat umano sa irregularidad sa reclassification ng lupa noong 2020.
Dahil sa nasabing utos ng DILG, si Konsehal Ryan Viray ang pansamantalang hahalili kay Punsalan bilang alkalde ng San Simon.