CITY OF SAN FERNANDO, PAMPANGA – Inilahad ng Commission on Elections (Comelec) Region 3, na aabot na sa 63 na mga kumakandidato sa Barangay at Sanggunihang Kabataan Elections (BSKE)sa Central Luzon ang inisyuhan na ng Show Cause Order kaugnay ng pre-mature campaigning.

Sa isang pulong balitaan ng Central Luzon Media Association (CLMA) Pampanga Chapter, sinabi ni Comelec Region 3 Assistant Director Atty. Elmo Duque, na ang mga ito ngayon ay pinagpapaliwanag na kaugnay ng mga alegasyon ng pre-mature campaigning at kung bakit hindi sila dapat i-disqualify.

Kapag napatunayan kasi na ang mga ito ay lumabag sa election rules, posibleng sila ay ma disqualify bilang kandidato sa paparating na halalan.

Dagdag pa ni Duque, mabilis umano na dinidinig ng Comelec ang mga ganitong kaso kaya kung mapatunayan na ang mga nabigyan ng show cause order ay may nilabag sa election rules ay posibleng bago pa ang campaign period ay lumabas na ang hatol sa mga ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *