Opisyal nang nag-enroll sa City College of San Fernando Pampanga (CCSFP) si Mayrin Lopez, ang kauna-unahang estudyante ng kolehiyo na mula sa Ayta Mag-antsi tribe, at nakatakda nang simulan ang kanyang college journey bilang “Aslag ning Balen.”
Ito ay patunay sa implementasyon ng inclusive at open-door education system ni Mayor Vilma Balle-Caluag at ng kabuuan ng CCSFP administration, sa pamumuno ni President Atty. Gloria Victoria-Bañas, kung saan ang lahat ng Fernandinos, magbebenepisyo sa mga programang pang-edukasyon ng pamahalaan.
Ang Aeta na si Lopez, na mula sa barangay Del Rosario, ay mag-aaral sa kursong Accounting Information System.
Ngayong araw, August 9, ay National Indigenous Peoples Day (NIPD) sa bansa, at isa ang balitang ito sa ipinagdiriwang ng lokal na pamahalaan ngayong NIPD.
📷SDL | CSFP CIO