Scam Prevention – Newsline Central Luzon http://newslinecl.com Latest News Updates Wed, 25 Oct 2023 02:55:59 +0000 en-US hourly 1 https://wordpress.org/?v=6.7 http://newslinecl.com/wp-content/uploads/2023/07/cropped-newslinecl-removebg-preview-32x32.png Scam Prevention – Newsline Central Luzon http://newslinecl.com 32 32 NTC Region 3, nagbabala sa publiko hinggil sa tower installation Scam! http://newslinecl.com/2023/10/25/ntc-region-3-nagbabala-sa-publiko-hinggil-sa-tower-installation-scam/ http://newslinecl.com/2023/10/25/ntc-region-3-nagbabala-sa-publiko-hinggil-sa-tower-installation-scam/#respond Wed, 25 Oct 2023 02:55:59 +0000 https://newslinecl.com/?p=2497 City of San Fernando, Pampanga – Nagbabala sa publiko ang National Telecommunications Commission o NTC Region 3 hinggil sa Maharlika 3rd Telco Tower Installation Scam.

Sa panayam ng Newsline Central Luzon kay Engr. Wilson Lejarde, ang Hepe ng Enforcement and Operation Division ng NTC Region 3, sinabi nito na ang bagong scam na ito ay ginagamit ang iba’t-ibang social media platforms upang maka-panloko.

Ang modus umano ng mga scammer ay kunwari naghahanap ng lupang halimbawa ay may sukat na 500 square meters na pwedeng upahan ng 30 years para pagtayuan ng tower ng isang telco.

Kinokonekta din umano ng mga ito ang pang-i-scam sa Maharlika Investment Fund kung saan sasabihin ng mga ito na magmumula dito ang pondo upang makapan-loko.

Upang makapang-hikayat ay mangangako ang mga scammer na mag-bibigay ng paunang P6 million pesos at bukod dito ay may buwanang renta pa na P10 thousand pesos sa loob ng tatlumpong taon.

Kapag nakapag-hikayat na ay hihingi ang mga ito ng kopya o original copy ng mga papeles ng lupa tulad ng titulo, maging ng mga valid ID.

Dahil dito ay pinag-iingat ng NTC ang publiko dahil ang posibleng kalabasan nito ay ibenta o isangla sa bangko ng mga scammer ang lupa nang hindi alam ng may-ari.

]]>
http://newslinecl.com/2023/10/25/ntc-region-3-nagbabala-sa-publiko-hinggil-sa-tower-installation-scam/feed/ 0