DEPED, kinondena ang nangyaring pamamaril sa isang punong-guro sa Nueva Ecija

JAEN, NUEVA ECIJA – Mariing Kinondena ng Department of Education o DepEd ang nangyaring pamamaril kahapon sa isang Punong-guro sa Jaen, Nueva Ecija.

Tinukoy ng departamento ang biktima na si Dr. Reden Marquez, Principal sa Sto. Tomas North Elementary School, na pinagbabaril umano ng isang riding-in-tandem sa harap mismo ng eskwelahan.

Batay sa pahayag ng DepEd, nakikipag-ugnayan na ang ahensya sa mga kinauukulang field office at pulisya upang mahuli ang mga kagagawan ng naturang krimen.

Ayon pa sa DepEd, tinutuligsa nila ang anumang pagkilos ng kawalang-katarungan sa kanilang mga tauhan, mag-aaral, at stakeholder.

Makikita naman sa mga naglabasang video sa social media na agad na tinulungan ng mga kasamahan nitong guro ang biktima bago isugod sa pagamuta

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *