AURORA PROVINCE – Namahagi ng Solar Salt Production Packages ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR Region 3 sa mga benepisyaryo nito sa lalawigan ng Aurora kamakailan.
Ayon sa BFAR, ang mga nakatanggap ng tig-isang pakete ng Solar Salt Production at iba pang kagamitan ay ang mga miyembro ng Mijares Fisherfolk Association of Dipaculao, Samahan ng mga Mangingisda ng Sitio Dumaguipo, Dinipan sa Casiguran, at Asinan Fishing Livelihood Association sa Dilasag.
Ang paggawa umano ng asin sa pamamagitan ng solar ay isang mahalagang industriya para sa lalawigan dahil sa malinis na mga baybayin nito at magandang sikat ng araw.
Nagsagawa rin umano ng pagbisita kamakailan ang Commission on Audit o COA upang tingnan ang mga coastal salt farm sa naturang probinsya.