CITY OF SAN FERNANDO, PAMPANGA – Inihayag ni dating Senador Francis “Kiko” Pangilinan sa panayam ng Newsline Central Luzon ang kanyang mungkahi para kay Pangulong Ferdinand “Bong Bong” Marcos, Jr., na mag-labas ng isang executive order o EO na nag-aatas sa mga national at local government agencies na direktang bumili ng mga produktong pang-agrikultura sa mga accredited farmer at fisherfolks.
Batay sa pahayag ni Pangilinan, may batas na siyang ginawa ukol dito, ang Republic Act 11321 o Sagip Saka Act, at EO na lamang ng pangulo ang kailangan para sa full implementation.
Binanggit din nito na, naipapatupad ang naturang batas sa kasalukuyan sa pamamagitan ng Kadiwa ng Pangulo, ngunit iginiit niyang ito ay “kulang” upang matulungan ang mga magsasaka.
Kung ang mga ahensya umano tulad ng DSWD, PNP, DOH, DILG, AFP at iba pa na malaki ang kinukunsumo sa pagkain ay bibili ng direkta sa mga magsasaka ay malaking tulong para sa mga ito upang lalo pang maengganyo sa pagtatanim na makakatulong sa gobyerno upang matiyak ang food security sa bansa.