CITY OF SAN FERNANDO, PAMPANGA – Nagpaalala ang Department of Trade and Industry o DTI sa publiko hinggil sa pag-bili ng mga electronic Christmas decorations tulad ng Christmas light.
Sa panayam ng Newsline Central Luzon kay DTI SME Development Division Chief Warren Serrano, sinabi nito na dapat i-check nang mabuti ng mga consumer ang mga bibilhing electronic decoration.
Sa pagbili halimbawa ng Christmas light ay tingnan umano kung ito ay may Philippine Standard o PS certifications mark kung ito ay locally made at Import Commodity Clearance o ICC sticker kung ito ay imported.
Hindi umano dapat bilhin ang produkto kung ito ay walang PS mark at ICC sticker dahil malaki ang posibilidad na ito ay substandard o mababa ang kalidad.
Maaari naman ireport sa tanggapan ng DTI ang mga nagbebenta ng mga substandard na electronic christmas decorations.