MEXICO, PAMPANGA – Nasabat ng pinag-sanib na pwersa ng National Bureau of Investigation o NBI, Philippine Drugs Enforcement Agency o PDEA, Bureau of Customs at National Intelligence Coordinating Agency sa isang bodega sa Purok 5, San Jose Malino, Mexico, Pampanga ang nasa 530 kilo ng hinihinalang shabu noong September 24.
Batay sa pahayag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, ang ipinagbabawal na droga ay nagkakahalaga ng 3.6 billion pesos.
Sinabi ni Remulla na ang kargamento ay nagmula sa Thailand at hinaluan ng iba pang produkto tulad ng pork rinds at dog foods.
Dumating umano ito sa bansa sa pamamagitan ng Port of Subic noong September 18.
Dagdag ng kalihim, ito na ang pinaka-mataas na nasamsam na iligal na droga sa ilalim ng administrasyong Marcos.