CITY OF SaN FERNANDO, PAMPANGA – Inihayag ng NLEX Corporation na nakatakdang muling buksan ang tulay ng SCTEX Pasig Potrero sa lahat ng klase ng sasakyan ngayong Biyernes, September 29, matapos na sumailalim ang tulay sa rehabilitation works.

Ayon sa NLEX, sa muling pagbubukas nito para sa lahat ng uri ng sasakyan, muling mapapagaan nito ang trapiko para sa mga motoristang nagmumula sa Clark papuntang Subic, at mula Subic hanggang Clark.

Ipagpapatuloy naman umano ng NLEX ang rehabilitasyon upang lalo pang mapatibay ang tulay habang binubuksan muli ito.

Matatandaang noong July 16, isinara ng concessionaire at operator ng SCTEX ang tulay sa lahat ng sasakyan upang magsagawa ng emergency safety inspection at assessment dahil sa patuloy na pag-ulan na dala ng habagat at bagyong Dodong.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *