BALANGA, BATAAN – Kinumpiska ng pulisya ang nasa 256 thousand pesos na halaga ng ilegal na sigarilyo matapos mahuli ang dalawang lalaki sa Comelec checkpoint sa Sta. Rosa Exit sa Brgy. Bagumbayan, Balanga sa lalawigan ng Bataan kahapon, October 1.
Batay sa ulat ng Bataan PNP, habang nagsasagawa ng Comelec checkpoint operation ay na-flag down ang isang sasakyan na minamaneho ng isang suspek, na nabigo umanong magpakita ng mga dokumento tulad ng permit for possession ng natagpuang 2 kahon na naglalaman ng 40 reams ng sari-saring sigarilyo na tinatayang nagkakahalaga ng 16 thousand pesos.
Bukod dito, nadakip din ng mga awtoridad ang isa pang suspek na nakuhanan ng 12 Kahon na naglalaman ng 50 reams ng Modern Cigarettes na nagkakahalaga ng P240 thousand pesos na wala ring kaukulang dokumento.
Nasa kustodiya na umano ngayon ng Balanga City Police Station ang dalawang suspek at mga kontrabando.
Nahaharap naman ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act No. 7394 o Consumer Act of the Philippines.