CITY OF SAN FERNANDO, PAMPANGA – Nagbabala ang Department of Health o DOH na maaaring makuha ang Nipah Virus sa pagkain ng mga prutas na kinagat, o mayroong ihi o dumi ng hayop na infected nito.
Sa panayam ng Newsline Central Luzon kay DOH Region 3 Regional Director Dra. Corazon Flores, sinabi nito na ang Nipah Virus na isang Bat Borne Virus ay maaaring mahawa ang tao sa pamamagitan ng pagkain ng mga prutas na may laway, ihi o dumi ng isang infected.
Bagaman sa ngayon wala pang bagong kaso ng Nipah Virus na naitatala sa bansa, nagpaalala pa rin si Flores na kung maaaari ay iwasan muna ang pinamumugaran ng mga paniki dahil maaaring may infected na ang mga ito ng Nipah at mahawa ang isang tao.
Dagdag pa ni Flores, suriin ang mga kinakaing mga prutas at hugasang Mabuti.
Matatandaan na Huling naitalang kaso ng Nipah Virus sa bansa ay noong 2014 sa Sultan Kudarat.
Sa ngayon, puspusan ang pagbabantay ng DOH katuwang ang Department of Agriculture at Department of Environment and Natural Resources sa posibleng banta sa muling pagpasok ng virus sa bansa.