SAN ILDEFONSO, BULACAN – Inaresto ng Bulacan PNP ang isang lalaki matapos lumabag sa Omnibus Election Code (OEC) kahapon, October 4.
Batay sa ulat Bulacan Provincial Police Office, dinakip ang lalaki na kinilala ng pulisya na si Eugene Calderon, 26 anyos at resident ng San Ildefonso, Bulacan.
Isang concerned citizen ang nagreport umano sa mga awtoridad na nakitang may dalang baril si Calderon sa isang Karaoke Bar.
Nakumpiska sa pagkakaaresto ang isang (1) kalibre 9mm Glock 19 na may serial number CBL412, isang (1) magazine, at labing tatlong (13) piraso ng bala.
Nahaharap naman sa kasong paglabag sa Republic Act No 10591 o Illegal Possession of Firearm and Ammunition, at Omnibus Election Code o Gun Ban ang suspek.