CITY OF SAN FERNANDO, PAMPANGA – Tiniyak ni Department of Health o DOH Region 3, Regional Director Dra. Corazon Flores na bagama’t nakakahawa ay hindi naman nakamamatay ang German measles o Rubella.
Ayon kay Dra. Flores, mild illness lamang umano ang maaaring maranasan dito.
Ngunit, pinagiingat naman nito ang mga buntis na magkaroon ng German Measles dahil posible umanong maapektuhan ang sanggol sa sinapupunan ng mga ito.
Ang mga sintomas ng German Measles ay lagnat, sore throat, at rashes na nagsisimula sa mukha at kumakalat sa iba pang bahagi ng katawan.