CITY OF SAN FERNANDO, PAMPANGA – Umabot na sa 84 percent o 2,639 ng target na 3,116 na rice retailers sa Central Luzon ang tumanggap ng kanilang cash assistance na 15,000 pesos sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program – Economic Relief subsidy ng Department of Social Welfare and Development o DSWD.

Sa isang pulung balitaan, sinabi ni Department of Trade and Industry o DTI Central Luzon Consumer Protection Division Chief Jerry Maglalang na umaabot na rin sa 39.5 million pesos ang naipamahagi sa rehiyon.

Ang benepisaryo ng ayuda ay ang mga rice retailer na tinamaan ng ipinalabas na executive order ni Pangulong Ferdinand โ€œBongbongโ€ Marcos Jr,. na price cap sa bigas.

Patuloy naman umano ang pamamahagi ng cash aid sa mga natitirang rice retailers na hindi pa nabigyan sa rehiyon sa kabila ng pag-papatigil ng pangulo sa price ceiling kahapon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *