ANGELES CITY – Iginiit ni Danilo Yumul ng isang Transport Group sa Central Luzon na dapat pag-usapan sa Angeles City Council ang sigalot sa pagitan ng transport network vehicle service (TNVS) at tricycle drivers hinggil sa pagsasakay ng pasahero ng mga TNVS sa sa syudad.
Ayon kay Yumul, nais nitong tulungan na makakuha ng Sec Registration ang mga ito para magkaroon ng legal na personalidad na haharap sa mga usapin.
Ito ay sa kabila na ang mga ito ay pinaboran ng LTFRB dahil na rin sa aplikasyon ng mga TNVS company na binigyan ng prangkisa.
Patuloy naman ang panawahan ni Francis Pangilinan, hepe ng Angeles City Traffic Development sa magkabilang panig na panatilihing maging maayos ang daloy ng trapiko lalo na sa mga pangunahing kalsada sa lungsod.