Face-to-face classes sa buong lalawigan ng Pampanga sa October 16 at 17, sinuspendi dahil sa nakaambang tigil-pasada!

PROVINCE OF PAMPANGA – Suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong eskwelahan sa buong lalawigan ng Pampanga sa simula sa Lunes, October 16 hanggang Martes, October 17, 2023.

Batay sa inilabas na Executive Order No. 32 ni Gov. Dennis โ€œDeltaโ€ Pineda, ito ay dahil sa nakaambang na Nationwide transport strike sa Lunes.

Ito ay matapos umanong mag-anunsyo ang transport groups na Malayang Alyansa ng Bus Employees at Manibela ng tigil-pasada sa nabanggit na petsa.

Pinapayuhan naman ang mga estudyante at mga guro na mag-shift sa online o modular classes at iba pang applicable na alternative learning. Maaalalang una nang nag-anunsiyo ang syudad ng Angeles ng suspension ng face-to-face classes at carpooling para sa mga empleyado ng pamahalaan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *