Comelec Region 3, kinumpirma na may isang barangay sa Gitnang Luzon ang nasa red category kaugnay sa BSKE!

City of San Fernando, Pampanga – Kinumpirma ni Commission on Elections o Comelec Region 3 Assistant Regional Director Atty. Elmo Duque na may isang barangay sa Central Luzon ang nasa hotspot o red category kaugnay sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections o BSKE 2023.

Sa panayam ng Newsline Central Luzon kay Atty. Duque, sinabi nito na dahil sa bakbakan ng Armed Forces of the Philippines o AFP at communist party of the Philippines ay inilagay sa red category ang Brgy. San Francisco sa Bayan ng Laur, Nueva Ecija.

Ang red category ay ang highest alert level habang nasa campaign season sa BSKE 2023, na mayroong grave security threats at history ng election-related incidents.

Sinabi pa ni Duque na sa kabila nito ay asahan ang โ€œvery peacefulโ€ na halalan, na gaganapin sa ika-30 ng Oktubre, simula ala-syete ng umaga hanggang alas-tres ng hapon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *