ANGELES CITY – Hinimok ng Angeles City Government ang nasa labing-tatlong senior citizens sa syudad na magpa-bakuna ng anti-flu at anti-pneumonia ngayong araw ng Miyerkules, October 18.
Ito ay matapos na iatas ni Mayor Carmelo “Pogi” Lazatin, Jr. sa City Health Office, Gender and Development Office, at City Disaster Risk Reduction and Management Office na bumuo ng anim na teams na kinabibilangan ng mga healthcare professionals at healthcare workers.
Ang mga nabuong team ay siyang i-a-assign at ide-deploy sa anim na rural health units o RHUs ng lungsod kung saan maaaring tumungo ang mga senior citizen na magpapa-bakuna.
Para sa mga senior citizen na mula sa mga Barangay ng Lourdes Sur, Pulungbulu, San Jose, San Nicolas at Sto. Rosario, ay maaari ang mga itong magtungo sa RHU 1 Sto. Domingo Main Health Center.
Ang mga taga-Barangay Anunas, Cuayan, Cutcut, Pampang, at Sta. Trinidad ay maaaring tumungo sa RHU 2 sa Lourdes Northwest.
Sa RHU 3 naman na matatagpuan sa Lourdes Sur East ay i-a-accommodate ang mga senior citizen mula sa Barangay Agapito Del Rosario, Claro M. Recto, Malabanias, Sta. Teresita, at Virgen Delos Remedios.
Cover naman ng RHU 4 sa Brgy. Balibago ang mga magmumula sa Amsic, Margot at Sapangbato.
RHU 5 sa Pandan naman ang pupuntahan ng mga taga-Brgy. Capaya, Mining, Ninoy Aquino, Salapungan, Sto. Cristo at Tabun.
RHU 6 sa Pulung Cacutud naman ang maaaring puntahan ng mga taga-Barangay Cutud, Pulung Cacutud, Pulung Maragul, at Sapalibutad.
Maaalalang simula noong taong 2019 nang maupo bilang alkalde si Lazatin ay regular nang nakakatanggap ng libreng bakuna laban sa anti-flu at anti-pneumonia ang mga Angelenyong senior citizen.