Libu-libong mga booms na gawa sa coconut husks at pet bottles ang binubuo ng mga kawani ng DENR at Philippine Coast Guard (PCG) sa Lubao Materials Recovery Facility.
Magsisilbing pananggalang ang mga booms at matutulungan ng mga ito na pigilan ang pagkalat ng oil spill sa Pampanga coast.
Nakipagpulong si Board Member at Committee Chair on Natural Resources Environment Jun Canlas kasama sina PGENR Head Arthur Punsalan sa mga representante ng DENR, PCG at Sasmuan LGU para talakayin ang mga hakbang at mga pangangailangan sa paghahanda sa pagsangga sa oil spill mula sa lumubog na tanker sa Bataan.
Gerald Gloton | Pampanga PIO