CABANATUAN CITY, NUEVA ECIJA – Nasamsam ang halos 4 million pesos na halaga ng illegal na droga, na may timbang na 58 grams mula sa isang high-value target sa lalawigan ng Nueva Ecija kahapon, September 19.
Ayon kay Police Provincial Director Col. Richard Caballero, sa pinag-sanib na pwersa ng mga operatiba sa Cabanatuan City Police Station, Provincial Police at Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA Region 3, ay nadakip ang hindi na pinangalanan ng pulisya na suspek, na tinukoy lamang na isang lalaki, 41 years old.
Batay umano sa pahayag ng suspek, isiniwalat nito na ang kanyang supplier ay mula sa Metro Manila at ang kanyang operation area ay ang Lungsod ng Cabanatuan.
Sa kasalukuyan ay nasa kostudiya umano ng mga awtoridad ang suspek, na maaaring maharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.