Ej obiena, nasungkit ang unang gold medal para sa Pilipinas sa 19th Asian games

Nagkamit ng unang gold medal para sa Pilipinas ang Filipino pole vaulter na si EJ Obiena sa 19th Asian Games na isinagawa sa Hangzhou, China.

Nakuha ni obiena ang 5.90 metro sa menโ€™s pole vault finals, na sinira ang record ni Seito Yamamoto ng Japan na 5.70 meters noong 2018 Asian Games sa Jakarta, Indonesia.

Sina Huang Bokai ng China at Hussain Asim Al Hizam ng Saudi Arabia ang nakakuha ng silver at bronze medals, na parehong nag-clear ng 5.65 meters.

Binati naman ni Pangulong Ferdinand โ€œBongbongโ€ Marcos, Jr. si Obiena sa pagkapanalo nito.

Maliban kay EJ ay binati din ng Pangulo ang iba lang atletang pilipino na naguwi ng medalya mula sa Asian Games tulad nila Patrick King Perez, Jones Inso, Gideon Ladua, Clemente Tabugara Jr., Alex Eala at Francis Casey Alcantara.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *