CITY OF SAN FERNANDO, PAMPANGA – Inihayag ni Dra. Monserrat S. Chichioco, hospital director ng Jose B. Lingad Memorial General Hospital o JBL na mayroong 15 specialty centers para sa mga pasyente na nangangailangan ng mga special na pangangalaga.
Ayon kay Dra. Chichioco, Orthopedic care, Cancer care, Geriatric Center, Mental Health care, Physical and Rehabilitation Medicine, Toxicology, Dermatology, Brian and Spine Center, Neonatal care, Eye care, Infectious disease, ENT and Maxillofacial Surgery, Critical care and trauma, Womenโs health and wellness, at Renal care.
Sinabi pa nito na nakapagbibigay ang JBL ng full services para sa Orthopedic at Cancer care, samantalang sa 2025 ay fully functional na ang Toxicology, kung saan dito pinapangalagaan ang mga pasyenteng nalason ng ibaโt-ibang klaseng chemical, ngunit mayroon lamang inaantay umano na makina para itesting ang level ng chemical sa katawan ng pasyenteng nalason.
Dagdag pa ng Doktora na kumpleto ang mga nabanggit na specialty centers ng mga espesyalista at doktor na titingin sa mga pasyente.
Ang JBL ay mayroon anong 750 capacity bed, ngunit minsan ay inaabot umano ng 800-850 kapag sobrang marami ang pasyente.
Ayon kasi kay Dra. Chichioco, hindi bababa sa 600 ang pasyente ng JBL kada araw na umaabot pa sa 36 thousand patients sa isang buwan.