Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) – Newsline Central Luzon https://newslinecl.com Latest News Updates Wed, 18 Oct 2023 08:02:32 +0000 en-US hourly 1 https://wordpress.org/?v=6.7.1 https://newslinecl.com/wp-content/uploads/2023/07/cropped-newslinecl-removebg-preview-32x32.png Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) – Newsline Central Luzon https://newslinecl.com 32 32 Comelec Region 3, kinumpirma na may isang barangay sa Gitnang Luzon ang nasa red category kaugnay sa BSKE! https://newslinecl.com/2023/10/18/comelec-region-3-kinumpirma-na-may-isang-barangay-sa-gitnang-luzon-ang-nasa-red-category-kaugnay-sa-bske/ https://newslinecl.com/2023/10/18/comelec-region-3-kinumpirma-na-may-isang-barangay-sa-gitnang-luzon-ang-nasa-red-category-kaugnay-sa-bske/#respond Wed, 18 Oct 2023 08:02:32 +0000 https://newslinecl.com/?p=2483 City of San Fernando, Pampanga – Kinumpirma ni Commission on Elections o Comelec Region 3 Assistant Regional Director Atty. Elmo Duque na may isang barangay sa Central Luzon ang nasa hotspot o red category kaugnay sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections o BSKE 2023.

Sa panayam ng Newsline Central Luzon kay Atty. Duque, sinabi nito na dahil sa bakbakan ng Armed Forces of the Philippines o AFP at communist party of the Philippines ay inilagay sa red category ang Brgy. San Francisco sa Bayan ng Laur, Nueva Ecija.

Ang red category ay ang highest alert level habang nasa campaign season sa BSKE 2023, na mayroong grave security threats at history ng election-related incidents.

Sinabi pa ni Duque na sa kabila nito ay asahan ang “very peaceful” na halalan, na gaganapin sa ika-30 ng Oktubre, simula ala-syete ng umaga hanggang alas-tres ng hapon.

]]>
https://newslinecl.com/2023/10/18/comelec-region-3-kinumpirma-na-may-isang-barangay-sa-gitnang-luzon-ang-nasa-red-category-kaugnay-sa-bske/feed/ 0
63 kandidato ng BSKE sa Central Luzon, inisyuhan ng Show Cause Order re: pre-mature campaigning https://newslinecl.com/2023/09/22/63-kandidato-ng-bske-sa-central-luzon-inisyuhan-ng-show-cause-order-re-pre-mature-campaigning/ https://newslinecl.com/2023/09/22/63-kandidato-ng-bske-sa-central-luzon-inisyuhan-ng-show-cause-order-re-pre-mature-campaigning/#respond Fri, 22 Sep 2023 04:22:17 +0000 http://newslinecl.com/?p=2356 CITY OF SAN FERNANDO, PAMPANGA – Inilahad ng Commission on Elections (Comelec) Region 3, na aabot na sa 63 na mga kumakandidato sa Barangay at Sanggunihang Kabataan Elections (BSKE)sa Central Luzon ang inisyuhan na ng Show Cause Order kaugnay ng pre-mature campaigning.

Sa isang pulong balitaan ng Central Luzon Media Association (CLMA) Pampanga Chapter, sinabi ni Comelec Region 3 Assistant Director Atty. Elmo Duque, na ang mga ito ngayon ay pinagpapaliwanag na kaugnay ng mga alegasyon ng pre-mature campaigning at kung bakit hindi sila dapat i-disqualify.

Kapag napatunayan kasi na ang mga ito ay lumabag sa election rules, posibleng sila ay ma disqualify bilang kandidato sa paparating na halalan.

Dagdag pa ni Duque, mabilis umano na dinidinig ng Comelec ang mga ganitong kaso kaya kung mapatunayan na ang mga nabigyan ng show cause order ay may nilabag sa election rules ay posibleng bago pa ang campaign period ay lumabas na ang hatol sa mga ito.

]]>
https://newslinecl.com/2023/09/22/63-kandidato-ng-bske-sa-central-luzon-inisyuhan-ng-show-cause-order-re-pre-mature-campaigning/feed/ 0