City of San Fernando – Newsline Central Luzon https://newslinecl.com Latest News Updates Wed, 25 Oct 2023 02:55:59 +0000 en-US hourly 1 https://wordpress.org/?v=6.7.1 https://newslinecl.com/wp-content/uploads/2023/07/cropped-newslinecl-removebg-preview-32x32.png City of San Fernando – Newsline Central Luzon https://newslinecl.com 32 32 NTC Region 3, nagbabala sa publiko hinggil sa tower installation Scam! https://newslinecl.com/2023/10/25/ntc-region-3-nagbabala-sa-publiko-hinggil-sa-tower-installation-scam/ https://newslinecl.com/2023/10/25/ntc-region-3-nagbabala-sa-publiko-hinggil-sa-tower-installation-scam/#respond Wed, 25 Oct 2023 02:55:59 +0000 https://newslinecl.com/?p=2497 City of San Fernando, Pampanga – Nagbabala sa publiko ang National Telecommunications Commission o NTC Region 3 hinggil sa Maharlika 3rd Telco Tower Installation Scam.

Sa panayam ng Newsline Central Luzon kay Engr. Wilson Lejarde, ang Hepe ng Enforcement and Operation Division ng NTC Region 3, sinabi nito na ang bagong scam na ito ay ginagamit ang iba’t-ibang social media platforms upang maka-panloko.

Ang modus umano ng mga scammer ay kunwari naghahanap ng lupang halimbawa ay may sukat na 500 square meters na pwedeng upahan ng 30 years para pagtayuan ng tower ng isang telco.

Kinokonekta din umano ng mga ito ang pang-i-scam sa Maharlika Investment Fund kung saan sasabihin ng mga ito na magmumula dito ang pondo upang makapan-loko.

Upang makapang-hikayat ay mangangako ang mga scammer na mag-bibigay ng paunang P6 million pesos at bukod dito ay may buwanang renta pa na P10 thousand pesos sa loob ng tatlumpong taon.

Kapag nakapag-hikayat na ay hihingi ang mga ito ng kopya o original copy ng mga papeles ng lupa tulad ng titulo, maging ng mga valid ID.

Dahil dito ay pinag-iingat ng NTC ang publiko dahil ang posibleng kalabasan nito ay ibenta o isangla sa bangko ng mga scammer ang lupa nang hindi alam ng may-ari.

]]>
https://newslinecl.com/2023/10/25/ntc-region-3-nagbabala-sa-publiko-hinggil-sa-tower-installation-scam/feed/ 0
October power rate ng SFELAPCO, bumaba sa P9.63 per kilowatt-hour https://newslinecl.com/2023/10/18/october-power-rate-ng-sfelapco-bumaba-sa-p9-63-per-kilowatt-hour/ https://newslinecl.com/2023/10/18/october-power-rate-ng-sfelapco-bumaba-sa-p9-63-per-kilowatt-hour/#respond Wed, 18 Oct 2023 08:35:29 +0000 https://newslinecl.com/?p=2485 City of San Fernando, Pampanga – Inanunsyo ng San Fernando Electric Light and Power Company o SFELAPCO na ang October power rate ay itinakda sa unexpectedly low na P9.63 per kilowatt-hour.

Ayon sa SFELAPCO, traditionally, ang power prices ay posibleng tumaas sa last quarter ng taon habang ang major oil at coal importing countries ay naghahanda sa winter season.

Gayunpaman, ang mga hindi inaasahang kadahilanan sa merkado ay bumagsak sa trend na ito, na nagreresulta sa pagbaba ng power rates sa nakalipas na tatlong buwan.

Nakita naman umano ito ng SFELAPCO bilang isang pagkakataon upang magpatuloy sa pagbibigay ng mas mababang power rates sa mga consumer nito.

]]>
https://newslinecl.com/2023/10/18/october-power-rate-ng-sfelapco-bumaba-sa-p9-63-per-kilowatt-hour/feed/ 0
SCTEX Pasig potrero bridge, binuksan na para sa lahat ng uri ng sasakyan https://newslinecl.com/2023/09/29/sctex-pasig-potrero-bridge-bubuksan-na-para-sa-lahat-ng-uri-ng-sasakyan/ https://newslinecl.com/2023/09/29/sctex-pasig-potrero-bridge-bubuksan-na-para-sa-lahat-ng-uri-ng-sasakyan/#respond Fri, 29 Sep 2023 01:18:37 +0000 http://newslinecl.com/?p=2383 CITY OF SaN FERNANDO, PAMPANGA – Inihayag ng NLEX Corporation na nakatakdang muling buksan ang tulay ng SCTEX Pasig Potrero sa lahat ng klase ng sasakyan ngayong Biyernes, September 29, matapos na sumailalim ang tulay sa rehabilitation works.

Ayon sa NLEX, sa muling pagbubukas nito para sa lahat ng uri ng sasakyan, muling mapapagaan nito ang trapiko para sa mga motoristang nagmumula sa Clark papuntang Subic, at mula Subic hanggang Clark.

Ipagpapatuloy naman umano ng NLEX ang rehabilitasyon upang lalo pang mapatibay ang tulay habang binubuksan muli ito.

Matatandaang noong July 16, isinara ng concessionaire at operator ng SCTEX ang tulay sa lahat ng sasakyan upang magsagawa ng emergency safety inspection at assessment dahil sa patuloy na pag-ulan na dala ng habagat at bagyong Dodong.

]]>
https://newslinecl.com/2023/09/29/sctex-pasig-potrero-bridge-bubuksan-na-para-sa-lahat-ng-uri-ng-sasakyan/feed/ 0
Nakumpiskang ilegal na droga sa Central Luzon, umabot sa 941 million pesos! https://newslinecl.com/2023/09/29/nakumpiskang-ilegal-na-droga-sa-central-luzon-umabot-sa-941-million-pesos/ https://newslinecl.com/2023/09/29/nakumpiskang-ilegal-na-droga-sa-central-luzon-umabot-sa-941-million-pesos/#respond Fri, 29 Sep 2023 01:14:34 +0000 http://newslinecl.com/?p=2380 CITY OF SAN FERNANDO, PAMPANGA – Umabot na sa 941 million pesos ang mga nakumpiskang ilegal na droga sa Central Luzon.

Batay sa panayam ng Newsline Central Luzon sa tagapag-salita ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA na si Glenn Guillermo, ang naturang halaga ng ilegal na droga ay ang mga nasamsam simula noong January hanggang August 2023.

Ipinaliwanag ni Guillermo na ito ay mula sa collaboration ng PDEA, Philippine National Police at National Bureau of Investigation kung kaya malaki ang naging datos.

Umabot naman sa 2,996 ang ikinasang anti-drug operations at nasa 4,475 indibidwal ang nahuli at kinasuhan dahil sa droga.

Sinabi pa ni Guillermo na kaya malaki ang interdiction dahil sa mga nakukuhang droga sa Port of Clark, ngunit agad din niton nilinaw na hindi source ng illegal drugs ang Pampanga kundi daanan lamang ng mga smuggled mula sa ibang bansa.

Ang isa kasi umano sa paraan ng mga sindikato ay ang pagdadala nito sa pamamagitan ng parcel.

Bukod dito, kahapon ng ihayag ng NBI ang nasabat na ilegal na droga sa bayan ng Mexico, Pampanga na nagtitimbang ng 530 kilograms na nagkakahalaga ng 3.6 billion pesos na idinaan umano sa Port of Subic.

Dahil dito ay iminungkahi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na muling isailalim sa training ang mga K9 dogs na katuwang ng mga awtoridad sa mga pantalan at paliparan.

]]>
https://newslinecl.com/2023/09/29/nakumpiskang-ilegal-na-droga-sa-central-luzon-umabot-sa-941-million-pesos/feed/ 0
63 kandidato ng BSKE sa Central Luzon, inisyuhan ng Show Cause Order re: pre-mature campaigning https://newslinecl.com/2023/09/22/63-kandidato-ng-bske-sa-central-luzon-inisyuhan-ng-show-cause-order-re-pre-mature-campaigning/ https://newslinecl.com/2023/09/22/63-kandidato-ng-bske-sa-central-luzon-inisyuhan-ng-show-cause-order-re-pre-mature-campaigning/#respond Fri, 22 Sep 2023 04:22:17 +0000 http://newslinecl.com/?p=2356 CITY OF SAN FERNANDO, PAMPANGA – Inilahad ng Commission on Elections (Comelec) Region 3, na aabot na sa 63 na mga kumakandidato sa Barangay at Sanggunihang Kabataan Elections (BSKE)sa Central Luzon ang inisyuhan na ng Show Cause Order kaugnay ng pre-mature campaigning.

Sa isang pulong balitaan ng Central Luzon Media Association (CLMA) Pampanga Chapter, sinabi ni Comelec Region 3 Assistant Director Atty. Elmo Duque, na ang mga ito ngayon ay pinagpapaliwanag na kaugnay ng mga alegasyon ng pre-mature campaigning at kung bakit hindi sila dapat i-disqualify.

Kapag napatunayan kasi na ang mga ito ay lumabag sa election rules, posibleng sila ay ma disqualify bilang kandidato sa paparating na halalan.

Dagdag pa ni Duque, mabilis umano na dinidinig ng Comelec ang mga ganitong kaso kaya kung mapatunayan na ang mga nabigyan ng show cause order ay may nilabag sa election rules ay posibleng bago pa ang campaign period ay lumabas na ang hatol sa mga ito.

]]>
https://newslinecl.com/2023/09/22/63-kandidato-ng-bske-sa-central-luzon-inisyuhan-ng-show-cause-order-re-pre-mature-campaigning/feed/ 0