Department of Health (DOH) – Newsline Central Luzon https://newslinecl.com Latest News Updates Thu, 05 Oct 2023 03:29:43 +0000 en-US hourly 1 https://wordpress.org/?v=6.7.1 https://newslinecl.com/wp-content/uploads/2023/07/cropped-newslinecl-removebg-preview-32x32.png Department of Health (DOH) – Newsline Central Luzon https://newslinecl.com 32 32 Mga buntis, pinag-iingat ng DOH sa German measles https://newslinecl.com/2023/10/05/mga-buntis-pinag-iingat-ng-doh-sa-german-measles/ https://newslinecl.com/2023/10/05/mga-buntis-pinag-iingat-ng-doh-sa-german-measles/#respond Thu, 05 Oct 2023 02:46:55 +0000 http://newslinecl.com/?p=2432 CITY OF SAN FERNANDO, PAMPANGA – Tiniyak ni Department of Health o DOH Region 3, Regional Director Dra. Corazon Flores na bagama’t nakakahawa ay hindi naman nakamamatay ang German measles o Rubella.

Ayon kay Dra. Flores, mild illness lamang umano ang maaaring maranasan dito.

Ngunit, pinagiingat naman nito ang mga buntis na magkaroon ng German Measles dahil posible umanong maapektuhan ang sanggol sa sinapupunan ng mga ito.

Ang mga sintomas ng German Measles ay lagnat, sore throat, at rashes na nagsisimula sa mukha at kumakalat sa iba pang bahagi ng katawan.

]]>
https://newslinecl.com/2023/10/05/mga-buntis-pinag-iingat-ng-doh-sa-german-measles/feed/ 0
Nipah virus, maaaring makuha umano sa pagkain ng prutas na kinagat, naihian o may dumi ng hayop na infected nito ayon sa DOH! https://newslinecl.com/2023/10/05/department-of-environment-and-natural-resources-denr/ https://newslinecl.com/2023/10/05/department-of-environment-and-natural-resources-denr/#respond Thu, 05 Oct 2023 02:38:15 +0000 http://newslinecl.com/?p=2429 CITY OF SAN FERNANDO, PAMPANGA – Nagbabala ang Department of Health o DOH na maaaring makuha ang Nipah Virus sa pagkain ng mga prutas na kinagat, o mayroong ihi o dumi ng hayop na infected nito.

Sa panayam ng Newsline Central Luzon kay DOH Region 3 Regional Director Dra. Corazon Flores, sinabi nito na ang Nipah Virus na isang Bat Borne Virus ay maaaring mahawa ang tao sa pamamagitan ng pagkain ng mga prutas na may laway, ihi o dumi ng isang infected.

Bagaman sa ngayon wala pang bagong kaso ng Nipah Virus na naitatala sa bansa, nagpaalala pa rin si Flores na kung maaaari ay iwasan muna ang pinamumugaran ng mga paniki dahil maaaring may infected na ang mga ito ng Nipah at mahawa ang isang tao.

Dagdag pa ni Flores, suriin ang mga kinakaing mga prutas at hugasang Mabuti.

Matatandaan na Huling naitalang kaso ng Nipah Virus sa bansa ay noong 2014 sa Sultan Kudarat.

Sa ngayon, puspusan ang pagbabantay ng DOH katuwang ang Department of Agriculture at Department of Environment and Natural Resources sa posibleng banta sa muling pagpasok ng virus sa bansa.

]]>
https://newslinecl.com/2023/10/05/department-of-environment-and-natural-resources-denr/feed/ 0