DTI – Newsline Central Luzon https://newslinecl.com Latest News Updates Mon, 02 Oct 2023 04:33:41 +0000 en-US hourly 1 https://wordpress.org/?v=6.7.1 https://newslinecl.com/wp-content/uploads/2023/07/cropped-newslinecl-removebg-preview-32x32.png DTI – Newsline Central Luzon https://newslinecl.com 32 32 Lalawigan ng Bulacan, pasok sa top 10 most Competitive province ngayong 2023 https://newslinecl.com/2023/10/02/lalawigan-ng-bulacan-pasok-sa-top-10-most-competitive-province-ngayong-2023/ https://newslinecl.com/2023/10/02/lalawigan-ng-bulacan-pasok-sa-top-10-most-competitive-province-ngayong-2023/#respond Mon, 02 Oct 2023 04:33:41 +0000 http://newslinecl.com/?p=2413 BULACAN, PHILIPPINES – Pasok ang lalawigan ng Bulacan sa Top 10 most competitive province sa 2023 Philippine Competitiveness Ranking ng Department of Trade and Industry o DTI kung saan nakuha nito ang ika-walong pwesto.

Batay sa ranking, sa 1,634 local government units na nagparticipate, 103 na mga syudad, munisipalidad at mga probinsiya ang nakakuha ng parangal sa iba’t-ibang kategorya, kung saan ang Bulacan lamang umano ang nagiisang lalawigan sa Central Luzon ang pasok sa Top 10.

Nakuha naman ng Baliwag City ang iba’t-ibang awards kabilang ang Top 3 Overall Most Competitive 1st to 2nd Class Municipalities, Top 5 sa Infrastructure, Top 6 sa Innovation, at Top 8 sa Resiliency.

Top 4 naman naman ang Santa Maria sa Infrastructure, at Top 6 sa Economic Dynamism, samantalang pasok din sa Economic Dynamism ang Marilao, Top 7 ang Angat sa Most Improved 1st to 2nd Class Municipality at ang Meycauayan naman ay Top 3 sa Special Award na Top Intellectual Property Filer.

Ang Baler naman sa Aurora ay ang bukod tanging bayan sa labas ng Bulacan ang napabilang sa pagtatanghal kung saan nakuha nito ang ikalawang pwesto sa 3rd to 4th Class Municipality.

]]>
https://newslinecl.com/2023/10/02/lalawigan-ng-bulacan-pasok-sa-top-10-most-competitive-province-ngayong-2023/feed/ 0
PS mark at ICC sticker, dapat tingnan sa pagbili ng electronic chrismas decorations ayon sa DTI https://newslinecl.com/2023/09/27/ps-mark-at-icc-sticker-dapat-tingnan-sa-pagbili-ng-electronic-chrismas-decorations-ayon-sa-dti/ https://newslinecl.com/2023/09/27/ps-mark-at-icc-sticker-dapat-tingnan-sa-pagbili-ng-electronic-chrismas-decorations-ayon-sa-dti/#respond Wed, 27 Sep 2023 03:47:21 +0000 http://newslinecl.com/?p=2372 CITY OF SAN FERNANDO, PAMPANGA – Nagpaalala ang Department of Trade and Industry o DTI sa publiko hinggil sa pag-bili ng mga electronic Christmas decorations tulad ng Christmas light.

Sa panayam ng Newsline Central Luzon kay DTI SME Development Division Chief Warren Serrano, sinabi nito na dapat i-check nang mabuti ng mga consumer ang mga bibilhing electronic decoration.

Sa pagbili halimbawa ng Christmas light ay tingnan umano kung ito ay may Philippine Standard o PS certifications mark kung ito ay locally made at Import Commodity Clearance o ICC sticker kung ito ay imported.

Hindi umano dapat bilhin ang produkto kung ito ay walang PS mark at ICC sticker dahil malaki ang posibilidad na ito ay substandard o mababa ang kalidad.

Maaari naman ireport sa tanggapan ng DTI ang mga nagbebenta ng mga substandard na electronic christmas decorations.

]]>
https://newslinecl.com/2023/09/27/ps-mark-at-icc-sticker-dapat-tingnan-sa-pagbili-ng-electronic-chrismas-decorations-ayon-sa-dti/feed/ 0