Pampanga – Newsline Central Luzon https://newslinecl.com Latest News Updates Mon, 17 Jun 2024 15:54:54 +0000 en-US hourly 1 https://wordpress.org/?v=6.7.1 https://newslinecl.com/wp-content/uploads/2023/07/cropped-newslinecl-removebg-preview-32x32.png Pampanga – Newsline Central Luzon https://newslinecl.com 32 32 CSWDO Teams Up with DSWD to Aid 495 Indigent Residents with Financial Assistance https://newslinecl.com/2024/06/17/cswdo-teams-up-with-dswd-to-aid-495-indigent-residents-with-financial-assistance/ https://newslinecl.com/2024/06/17/cswdo-teams-up-with-dswd-to-aid-495-indigent-residents-with-financial-assistance/#respond Mon, 17 Jun 2024 15:54:54 +0000 http://newslinecl.com/?p=2538 AICS DISTRIBUTION. Members of the City Social Welfare and Development Office (CSWDO), headed by Edna Duaso, on June 17, 2024 assisted the Department of Social Welfare and Development (DSWD) in the distribution of financial assistance to 495 indigent residents under the Assistance to Individual in Crisis Situations (AICS) program.

]]>
https://newslinecl.com/2024/06/17/cswdo-teams-up-with-dswd-to-aid-495-indigent-residents-with-financial-assistance/feed/ 0
NTC Region 3, nagbabala sa publiko hinggil sa tower installation Scam! https://newslinecl.com/2023/10/25/ntc-region-3-nagbabala-sa-publiko-hinggil-sa-tower-installation-scam/ https://newslinecl.com/2023/10/25/ntc-region-3-nagbabala-sa-publiko-hinggil-sa-tower-installation-scam/#respond Wed, 25 Oct 2023 02:55:59 +0000 https://newslinecl.com/?p=2497 City of San Fernando, Pampanga – Nagbabala sa publiko ang National Telecommunications Commission o NTC Region 3 hinggil sa Maharlika 3rd Telco Tower Installation Scam.

Sa panayam ng Newsline Central Luzon kay Engr. Wilson Lejarde, ang Hepe ng Enforcement and Operation Division ng NTC Region 3, sinabi nito na ang bagong scam na ito ay ginagamit ang iba’t-ibang social media platforms upang maka-panloko.

Ang modus umano ng mga scammer ay kunwari naghahanap ng lupang halimbawa ay may sukat na 500 square meters na pwedeng upahan ng 30 years para pagtayuan ng tower ng isang telco.

Kinokonekta din umano ng mga ito ang pang-i-scam sa Maharlika Investment Fund kung saan sasabihin ng mga ito na magmumula dito ang pondo upang makapan-loko.

Upang makapang-hikayat ay mangangako ang mga scammer na mag-bibigay ng paunang P6 million pesos at bukod dito ay may buwanang renta pa na P10 thousand pesos sa loob ng tatlumpong taon.

Kapag nakapag-hikayat na ay hihingi ang mga ito ng kopya o original copy ng mga papeles ng lupa tulad ng titulo, maging ng mga valid ID.

Dahil dito ay pinag-iingat ng NTC ang publiko dahil ang posibleng kalabasan nito ay ibenta o isangla sa bangko ng mga scammer ang lupa nang hindi alam ng may-ari.

]]>
https://newslinecl.com/2023/10/25/ntc-region-3-nagbabala-sa-publiko-hinggil-sa-tower-installation-scam/feed/ 0
Pampanga Gov. Delta, nanawagan ng hustisya para sa Kapampanga OFW na ginahasa at pinatay sa Jordan! https://newslinecl.com/2023/10/23/pampanga-gov-delta-nanawagan-ng-hustisya-para-sa-kapampanga-ofw-na-ginahasa-at-pinatay-sa-egypt/ https://newslinecl.com/2023/10/23/pampanga-gov-delta-nanawagan-ng-hustisya-para-sa-kapampanga-ofw-na-ginahasa-at-pinatay-sa-egypt/#respond Mon, 23 Oct 2023 02:30:53 +0000 https://newslinecl.com/?p=2491 PAMPANGA, PHILIPPINES – Nanawagan ng hustisya si Pampanga Gov. Dennis “Delta” Pineda sa nangyaring panggagahasa at pagpatay sa isang Kapampangan Overseas Filipino Worker na si Mary Grace Viray Santos sa Jordan

Ipinahayag din ni Gov. Delta ang kanyang pakikiramay sa pamilya ni Santos na nagsilbi bilang isang Caregiver sa nasabing bansa.

Batay sa mga ulat, ang suspek sa panggagahasa at pagpatay sa biktima ay isang desi-sais anyos na Egyptian national, na anak ng hardinero ng employer nito.

Dumating naman sa bansa ang mga labi ni Mary Grace noong Sabado, October 21 upang makasama sa mga huling sandali ng pamilya nito sa bayan ng Macabebe.

]]>
https://newslinecl.com/2023/10/23/pampanga-gov-delta-nanawagan-ng-hustisya-para-sa-kapampanga-ofw-na-ginahasa-at-pinatay-sa-egypt/feed/ 0
October power rate ng SFELAPCO, bumaba sa P9.63 per kilowatt-hour https://newslinecl.com/2023/10/18/october-power-rate-ng-sfelapco-bumaba-sa-p9-63-per-kilowatt-hour/ https://newslinecl.com/2023/10/18/october-power-rate-ng-sfelapco-bumaba-sa-p9-63-per-kilowatt-hour/#respond Wed, 18 Oct 2023 08:35:29 +0000 https://newslinecl.com/?p=2485 City of San Fernando, Pampanga – Inanunsyo ng San Fernando Electric Light and Power Company o SFELAPCO na ang October power rate ay itinakda sa unexpectedly low na P9.63 per kilowatt-hour.

Ayon sa SFELAPCO, traditionally, ang power prices ay posibleng tumaas sa last quarter ng taon habang ang major oil at coal importing countries ay naghahanda sa winter season.

Gayunpaman, ang mga hindi inaasahang kadahilanan sa merkado ay bumagsak sa trend na ito, na nagreresulta sa pagbaba ng power rates sa nakalipas na tatlong buwan.

Nakita naman umano ito ng SFELAPCO bilang isang pagkakataon upang magpatuloy sa pagbibigay ng mas mababang power rates sa mga consumer nito.

]]>
https://newslinecl.com/2023/10/18/october-power-rate-ng-sfelapco-bumaba-sa-p9-63-per-kilowatt-hour/feed/ 0
Pampanga Giant Lanterns, pasok na sa semi-finals ng Maharlika Pilipinas Basketball https://newslinecl.com/2023/10/14/pampanga-giant-lanterns-pasok-na-sa-semi-finals-ng-maharlika-pilipinas-basketball/ https://newslinecl.com/2023/10/14/pampanga-giant-lanterns-pasok-na-sa-semi-finals-ng-maharlika-pilipinas-basketball/#respond Sat, 14 Oct 2023 01:36:55 +0000 https://newslinecl.com/?p=2473 CITY OF SAN FERNANDO, PAMPANGA – Pasok na sa semi-finals ng Maharlika Pililinas Basketball League o MPBL North Division ang Pampanga Giant Lanterns matapos talunin ang Marikina Shoemasters sa Score na 61-81.

Best player sa laro si Justine Baltazar, na napag-tala ng 22 points, 11 Rebounds at 5 assist para sa Lanterns.

Bagaman napanatili ng Pampanga ang malaking kalamangan nito sa kahabaan ng laro kagabi sa Caloocan Sports Complex, hindi pa rin nagpa-kampante ang Giant Lanterns para maka-abante sa semis.

Ayon kay Pampanga Giant Lanterns Coach at Pampanga Gov. Dennis Delta Pineda, naging susi rin sa kanilang pagkapanalo ang mahigpit na dipensa na ginawa kontra Marikina.

Hindi naman nag-laro kagabi si Emcho Serano para sa Pampanga dahil sa Flu.

Depende pa naman kung sino ang mananalo sa do or die game ng Pasig at Caloocan, kung anong koponan ang susunod na makakalaban ng Pampanga para sa semis.

]]>
https://newslinecl.com/2023/10/14/pampanga-giant-lanterns-pasok-na-sa-semi-finals-ng-maharlika-pilipinas-basketball/feed/ 0
Mga buntis, pinag-iingat ng DOH sa German measles https://newslinecl.com/2023/10/05/mga-buntis-pinag-iingat-ng-doh-sa-german-measles/ https://newslinecl.com/2023/10/05/mga-buntis-pinag-iingat-ng-doh-sa-german-measles/#respond Thu, 05 Oct 2023 02:46:55 +0000 http://newslinecl.com/?p=2432 CITY OF SAN FERNANDO, PAMPANGA – Tiniyak ni Department of Health o DOH Region 3, Regional Director Dra. Corazon Flores na bagama’t nakakahawa ay hindi naman nakamamatay ang German measles o Rubella.

Ayon kay Dra. Flores, mild illness lamang umano ang maaaring maranasan dito.

Ngunit, pinagiingat naman nito ang mga buntis na magkaroon ng German Measles dahil posible umanong maapektuhan ang sanggol sa sinapupunan ng mga ito.

Ang mga sintomas ng German Measles ay lagnat, sore throat, at rashes na nagsisimula sa mukha at kumakalat sa iba pang bahagi ng katawan.

]]>
https://newslinecl.com/2023/10/05/mga-buntis-pinag-iingat-ng-doh-sa-german-measles/feed/ 0
1600 na mga college student sa Candaba, tumanggap na ng tig-5 thousand pesos mula sa municipal government https://newslinecl.com/2023/09/29/1600-na-mga-college-student-sa-candaba-tumanggap-na-ng-tig-5-thousand-pesos-mula-sa-municipal-government/ https://newslinecl.com/2023/09/29/1600-na-mga-college-student-sa-candaba-tumanggap-na-ng-tig-5-thousand-pesos-mula-sa-municipal-government/#respond Fri, 29 Sep 2023 01:38:12 +0000 http://newslinecl.com/?p=2392 CANDABA, PAMPANGA – Tumanggap na ng kanilang educational assistance noong September 27, ang 1600 mga college student mula 2nd year hanggang 4th year college na nag-aaral sa Don Honorio Ventura State University sa bayan ng Candaba.

Sa panayam ng Newsline Central Luzon kay Mayor Rene Maglanque, sinabi nito na ang scholarship program ay pinondohan ng 14 million pesos.

Ang bawat isa sa 1600 na mga magaaral ay nakatanggap ng tig-5000 pesos kung saan pinangunahan ng alkalde ang pamamahagi.

Bukod dito ay nagbigay din umano si Mayor Maglanque sa mga ito ng mga dagdag impormasyon at kaalaman na magagamit sa pagaaral upang makapagtapos sa kolehiyo.

Ang naturang programa ay isa umano sa mga pangarap ni Maglanque na unti-unti ay makakapag-aral ang lahat ng mga kabataang Candabeño upang magkaroon ng magandang kinabukasan.

]]>
https://newslinecl.com/2023/09/29/1600-na-mga-college-student-sa-candaba-tumanggap-na-ng-tig-5-thousand-pesos-mula-sa-municipal-government/feed/ 0
SCTEX Pasig potrero bridge, binuksan na para sa lahat ng uri ng sasakyan https://newslinecl.com/2023/09/29/sctex-pasig-potrero-bridge-bubuksan-na-para-sa-lahat-ng-uri-ng-sasakyan/ https://newslinecl.com/2023/09/29/sctex-pasig-potrero-bridge-bubuksan-na-para-sa-lahat-ng-uri-ng-sasakyan/#respond Fri, 29 Sep 2023 01:18:37 +0000 http://newslinecl.com/?p=2383 CITY OF SaN FERNANDO, PAMPANGA – Inihayag ng NLEX Corporation na nakatakdang muling buksan ang tulay ng SCTEX Pasig Potrero sa lahat ng klase ng sasakyan ngayong Biyernes, September 29, matapos na sumailalim ang tulay sa rehabilitation works.

Ayon sa NLEX, sa muling pagbubukas nito para sa lahat ng uri ng sasakyan, muling mapapagaan nito ang trapiko para sa mga motoristang nagmumula sa Clark papuntang Subic, at mula Subic hanggang Clark.

Ipagpapatuloy naman umano ng NLEX ang rehabilitasyon upang lalo pang mapatibay ang tulay habang binubuksan muli ito.

Matatandaang noong July 16, isinara ng concessionaire at operator ng SCTEX ang tulay sa lahat ng sasakyan upang magsagawa ng emergency safety inspection at assessment dahil sa patuloy na pag-ulan na dala ng habagat at bagyong Dodong.

]]>
https://newslinecl.com/2023/09/29/sctex-pasig-potrero-bridge-bubuksan-na-para-sa-lahat-ng-uri-ng-sasakyan/feed/ 0
Nakumpiskang ilegal na droga sa Central Luzon, umabot sa 941 million pesos! https://newslinecl.com/2023/09/29/nakumpiskang-ilegal-na-droga-sa-central-luzon-umabot-sa-941-million-pesos/ https://newslinecl.com/2023/09/29/nakumpiskang-ilegal-na-droga-sa-central-luzon-umabot-sa-941-million-pesos/#respond Fri, 29 Sep 2023 01:14:34 +0000 http://newslinecl.com/?p=2380 CITY OF SAN FERNANDO, PAMPANGA – Umabot na sa 941 million pesos ang mga nakumpiskang ilegal na droga sa Central Luzon.

Batay sa panayam ng Newsline Central Luzon sa tagapag-salita ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA na si Glenn Guillermo, ang naturang halaga ng ilegal na droga ay ang mga nasamsam simula noong January hanggang August 2023.

Ipinaliwanag ni Guillermo na ito ay mula sa collaboration ng PDEA, Philippine National Police at National Bureau of Investigation kung kaya malaki ang naging datos.

Umabot naman sa 2,996 ang ikinasang anti-drug operations at nasa 4,475 indibidwal ang nahuli at kinasuhan dahil sa droga.

Sinabi pa ni Guillermo na kaya malaki ang interdiction dahil sa mga nakukuhang droga sa Port of Clark, ngunit agad din niton nilinaw na hindi source ng illegal drugs ang Pampanga kundi daanan lamang ng mga smuggled mula sa ibang bansa.

Ang isa kasi umano sa paraan ng mga sindikato ay ang pagdadala nito sa pamamagitan ng parcel.

Bukod dito, kahapon ng ihayag ng NBI ang nasabat na ilegal na droga sa bayan ng Mexico, Pampanga na nagtitimbang ng 530 kilograms na nagkakahalaga ng 3.6 billion pesos na idinaan umano sa Port of Subic.

Dahil dito ay iminungkahi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na muling isailalim sa training ang mga K9 dogs na katuwang ng mga awtoridad sa mga pantalan at paliparan.

]]>
https://newslinecl.com/2023/09/29/nakumpiskang-ilegal-na-droga-sa-central-luzon-umabot-sa-941-million-pesos/feed/ 0
Nasa 3.6 billion pesos ng iligal na droga, nasamsam sa mexico, Pampanga https://newslinecl.com/2023/09/29/nasa-3-6-billion-pesos-ng-iligal-na-droga-nasamsam-sa-mexico-pampanga/ https://newslinecl.com/2023/09/29/nasa-3-6-billion-pesos-ng-iligal-na-droga-nasamsam-sa-mexico-pampanga/#respond Fri, 29 Sep 2023 01:10:52 +0000 http://newslinecl.com/?p=2377 MEXICO, PAMPANGA – Nasabat ng pinag-sanib na pwersa ng National Bureau of Investigation o NBI, Philippine Drugs Enforcement Agency o PDEA, Bureau of Customs at  National Intelligence Coordinating Agency sa isang bodega sa Purok 5, San Jose Malino, Mexico, Pampanga ang nasa 530 kilo ng hinihinalang shabu noong September 24.

Batay sa pahayag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, ang ipinagbabawal na droga ay nagkakahalaga ng 3.6 billion pesos.

Sinabi ni Remulla na ang kargamento ay nagmula sa Thailand at hinaluan ng iba pang produkto tulad ng pork rinds at dog foods.

Dumating umano ito sa bansa sa pamamagitan ng Port of Subic noong September 18.

Dagdag ng kalihim, ito na ang pinaka-mataas na nasamsam na iligal na droga sa ilalim ng administrasyong Marcos.

]]>
https://newslinecl.com/2023/09/29/nasa-3-6-billion-pesos-ng-iligal-na-droga-nasamsam-sa-mexico-pampanga/feed/ 0