Isang Filipino Gymnast, kwalipikado para sa Paris Olympics sa susunod na taon!

Sigurado na umano na ang Gymnast na si Aleah Finnegan ay ang pangatlong Filipino athlete na kwalipikado sa Paris Olympics Games sa susunod na taong 2024.

Ito ay nakumpirma matapos ang laban ni Finnegan sa World Artistic Gymnastics Championships sa Belgium.

Ang 20-year-old gymnast ay isa sa 14 highest-ranked eligible gymnasts. Nag-compile ito ng kabuuang 51.366 puntos sa apat na apparatus.

Umiskor siya ng 13.400 sa vault, 12.433 sa mga bar, 12.700 sa balance beam, at 12.833 sa floor exercise upang matapos ang ika-32 sa 117 na kakumpitensya nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *