Pampanga Giant Lanterns, pasok na sa semi-finals ng Maharlika Pilipinas Basketball

CITY OF SAN FERNANDO, PAMPANGA – Pasok na sa semi-finals ng Maharlika Pililinas Basketball League o MPBL North Division ang Pampanga Giant Lanterns matapos talunin ang Marikina Shoemasters sa Score na 61-81.

Best player sa laro si Justine Baltazar, na napag-tala ng 22 points, 11 Rebounds at 5 assist para sa Lanterns.

Bagaman napanatili ng Pampanga ang malaking kalamangan nito sa kahabaan ng laro kagabi sa Caloocan Sports Complex, hindi pa rin nagpa-kampante ang Giant Lanterns para maka-abante sa semis.

Ayon kay Pampanga Giant Lanterns Coach at Pampanga Gov. Dennis Delta Pineda, naging susi rin sa kanilang pagkapanalo ang mahigpit na dipensa na ginawa kontra Marikina.

Hindi naman nag-laro kagabi si Emcho Serano para sa Pampanga dahil sa Flu.

Depende pa naman kung sino ang mananalo sa do or die game ng Pasig at Caloocan, kung anong koponan ang susunod na makakalaban ng Pampanga para sa semis.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *