Pampanga Gov. Delta, nanawagan ng hustisya para sa Kapampanga OFW na ginahasa at pinatay sa Jordan!

PAMPANGA, PHILIPPINES – Nanawagan ng hustisya si Pampanga Gov. Dennis “Delta” Pineda sa nangyaring panggagahasa at pagpatay sa isang Kapampangan Overseas Filipino Worker na si Mary Grace Viray Santos sa Jordan

Ipinahayag din ni Gov. Delta ang kanyang pakikiramay sa pamilya ni Santos na nagsilbi bilang isang Caregiver sa nasabing bansa.

Batay sa mga ulat, ang suspek sa panggagahasa at pagpatay sa biktima ay isang desi-sais anyos na Egyptian national, na anak ng hardinero ng employer nito.

Dumating naman sa bansa ang mga labi ni Mary Grace noong Sabado, October 21 upang makasama sa mga huling sandali ng pamilya nito sa bayan ng Macabebe.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *