Nakatanggap ng mga bangus fry ang mga palaisdaan sa Paombong, Bulacan mula sa Department of Agriculture – Bureau of Fisheries and Acquatic Resources o D.A-BFAR Region 3.
Ayon sa D.A – BFAR, nasa 900 thousand mga semilya ng bangus ang naipamahagi sa mga operator ng aquafarm sa naturang bayan.

Layon umano nito na palakasin ang industriya ng pangisdaan sa Central Luzon matapos maapektuhan ng mga nagdaang bagyo at habagat.
Inaasahan umano na ang pagkakaroon ng sapat na semilya ng bangus ay makakapag-bukas ng maraming oportunidad para sa mga nagnanais mag-negosyo ng acquaculture.

Sa mga susunod na buwan ay inaasahan din umano na makikita ang positibong epekto ng pamamahagi ng bangus fry at pag-bangon ng Paombong mula sa pinsalang dulot ng mga kalamidad.


